12-years

12 Years

by CMN | shared on He Said, She Said |

Masaya. Almost perfect.

High school sweetheart tayo. Madami tayong pinagdaanan.

Umabot tayo sa punto na kontra na yung buong mundo sa atin pero lumaban tayo. Lumaban tayo ng magkasama sa mga panahong yung tayo lang yung naging magkakampi. Tayo yung naging magkasama. Hanggang sa everything ran smoothly.

Nagkaroon tayo ng anak, nagpakasal.

Nagkaron ng bahay, ng sariling buhay, mga pangarap. Madaming dumaan na problema pero nakakaya.

Tayo yun eh. Magkasama nating hinaharap lahat. Nakakaya natin lahat. Para tayong magbarkada. Lahat ng trip natin iisa. Lagi lang tayong masaya. Lagi nga nilang sinsabi na nakakainggit yung samahan na meron tayo.

Tapos umalis ako para magtrabaho para makatulong sa ‘yo. Para mabilis nating matupad yung mga plano natin.

Sa umpisa okay pa. After 6 months, ano’ng nangyari? Natuklasan ko may iba ka na at lahat nag-iba na.

Umuwi ako para ayusin pero wala. Wala na pala akong aayusin dahil ayaw mo na.

Ano’ng nangyari?

12 years.

Kumpara sa 6 months na lumayo ako. Ganun ba kadali yun? Yun lang ba ang katumbas ng 12 years nating pinagsamahan? Pinagdaanan? Bakit ang bilis?

Nasabi mo na wala na. Wala ka ng nararamdaman sa akin. Wala na yung dating tayo. Wala na yung asawa ko.

Ninakaw ng anim na buwan na nawala ako. Nagmakaawa ako. Kaya kong kalimutan ang nangyari pero ayaw mo.

Ang dahilan? Siya na ngayon ang mahal mo. Masakit. Ang hirap dahil ikaw ang mundo ko — kayo ng mga anak ko. Pero wala akong magawa dahil yung kakampi ko sumuko na.

Turuan mo naman akong kalimutan ka. Dahil sa totoo lang ang sakit sakit na.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

Share This!

Comments Go Here ▼

Comments

by CMN | shared on He Said, She Said | Masaya. Almost perfect. High school sweetheart tayo. Madami tayong pinagdaanan. Umabot tayo sa punto na kontra na yung buong mundo sa atin pero lumaban tayo. Lumaban tayo ng magkasama sa mga panahong yung tayo lang yung naging magkakampi. Tayo yung naging magkasama. Hanggang sa everything ran smoothly. …

Review Overview

User Rating: Be the first one !
0