3 Taon, Isang Tao

by Wednesday Sky| shared on He Said, She Said |

(Para sa binatang tatlong taon ko nang di nakikita)

Ito ang bahagi ng isang kwento
Na ni isa walang nagsabi sayo
Na matapos mong kinumusta
Nakatitig na lamang at nakatulala
Dila ay nagbuhol
Hininga’y hinahabol-habol
Sa gitna ng mga parol na nagliliwanag
Habang ika’y minamasdang lumayo
Mga luha’y pumatak at tumulo
3 taon,1 tao
At heto ako
Nagpapasalamat sa sakit na dulot mo
Natatawa dahil nasaktan
Nasaktan nang di mo nalalaman
‘Wag nang mag-alala
Ito ay ‘di ko na inaalala
Mga mata’y pugto pa
Ngunit puso’y pagod na.
Magbibilang: tatlo, dalawa, isa
‘Di na alam kung kaylan magkikita
Ngunit hahayaan na lamang
Na langit ang magtakda
Magbibilang ulit ako:
Isa, dalawa, tatlo
Maghihintay para sa isang tao
Na ang Diyos saki’y IPINANGAKO.

Feel free to send in your poems (English or Tagalog) via message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right approve or reject submissions for posting.

Comments Go Here ▼

Comments