Agam-Agam

by LsV | shared on He Said, She Said |

Sa aking pag-iisa minsa’y napapaisip;
Kung sya ba’y napapaginipan mo sa iyong pag idlip.
Laman ng puso mo kung pwede ko lang masilip;
Upang lumuwag itong damdaming kay sikip.

Tanong ko sa aking sarili kung ika’y maligaya;
Kasama ako at ang ating buong pamilya.
Kung ang iyong mga kilos ay totoong kay saya;
Baka naman ito’y balatkayo lang pala.

Sa iyong pagkakamali ika’y pinatawad;
Umaasang iyong mapagtanto na damdamin sa kanya ay huwad.
Pagmamahal at panahon na iyong iginawad;
Kasiraan ng ating pamilya ang pwedeng maging bayad.

Ngayon tanong ko sa aking sarili kung ako ba’y handa,
Agam-agam ko’y hindi ma sagot hanggang sa ating pag tanda.
Patuloy akong aasa upang hindi maging balisa;
Na ako’y iyong mahal at hindi magpaparaya.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

Comments Go Here ▼

Comments