Akala ko ako

by Ella Magdalene Sangcap | shared on He Said, She Said |

Akala ko ako,
Hindi pala
Akala ko tayo,
Hindi rin pala

Puro nalang akala ko ganito,
akala ko ganyan.
Pero hanggang ngayon, wala pa ding sagot sa katanungan kung bakit mo ako iniwan.
Oo nga pala, ano nga ba ang karapatan kong sabihin na iniwan mo ako?
Kahit kailan nga pala’y hindi nabuo ang salitang “tayo”.

Nakakalungkot pala.
Nakakalungkot palang isiping kahit kailan ay hindi naging ako.
Dahil umpisa pa lamang ay sya na ang mahal mo.

Masakit pala
Masakit palang malaman na sayo’y wala akong halaga.
Pero wala na yatang mas sasakit pa noong gabing sinabi mong, “kaibigan lang kita”

Akala ko noong una, isa itong magandang panaginip.
Tila ayaw ko nang gumising mula sa aking pagkaka idlip.
Ngunit mali na naman pala ako.

Isa pala itong bangungot na mahirap takasan.
Isang bangungot na hindi ko magawang wakasan.
Oo, inaamin ko, ikaw pa din kahit hindi na ako.
Pero mahal, nagmamakaawa ako, gisingin mo naman ako.
Dahil hanggang ngayo’y bilanggo pa rin ako sa mga maling akalang idinulot mo.

Bulag pa rin ako sa katotohanan.
Pinipiling magbingi-bingihan.
May pumipigil ata saking magising mula sa masamang panaginip na ito.
Pinipigilan ako ng damdamin ko,
dahil hanggang ngayo’y ikaw pa rin ang isinisigaw nito.

Ngayon, sinasabi ko sa sarili kong kaya ko na.
Matagal tagal na panahon na rin pala ang lumipas.
Makakalimutan na din kita sa wakas.
Ngunit mahal, tila ba ang lupit ng tadhana,
Muling pinagtagpo ang landas nating dalawa.

Nakita ko na naman ang iyong matamis na ngiti
kasabay ng pagsambit mo ng katagang, “Kamusta?”
Ako’y natulala. Noong sinabi kong kaya ko nang kalimutan ka,
Akala ko lang pala.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

Comments Go Here ▼

Comments