Akala ko talaga ikaw na

by KeeAr Landiza Menorias | shared on He Said, She Said |

Pasabog mo sa bagong taon
Ano yaon?
Unang news feed na nakabalandra
Ang pagmumukha ninyong dalawa

May bago ka na pala
Sana binigyan mo ako ng babala
Para alam ko kung saan patungo
At hindi iiyak sa dulo

Hindi na kita tatanungin
Unang-una hindi ka naging akin
Ang pagdating mo ay may dahilan
At ito lamang ay iyong pakiligin

Mga ngiti at pag-uusap na kay hirap lisanin
Pero alam ko ay dito ko na tatapusin
Kaya pala hindi kana ngparamdam
Pagtingin mo sa akin ay lumamlam

Akala ko talaga ikaw na
Listahan nang gusto ko sa isang tao
Kuhang-kuha mo
Datapwat may kirot na nadarama

Isang iyakan lang ito at sanay wala na
Dahil alam ko na may deserve ako
Yong mamahalin ako ng sapat
At yon ang dapat.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

Comments Go Here ▼

Comments