Akala

by Kim Leyrita | shared on He Said, She Said |

Akala ko iba ka,
Sa mga nakilala ko.
Yun pala ang totoo,
Katulad ka rin nila.

Akala ko kaya mong maghintay,
Subalit pilit mong minadali ang lahat,
Ang pagtugon ko’y hindi naging sapat
Maging ang pag-ibig kong alay.

Sa maikling panahon na minahal kita,
Hindi ko akalain na hanggang dito na lang talaga tayo,
Nais ko mang ipagpatuloy ang mahalin ka pa,
Dahil ang akala ko’y ako’y mahal mo pa,
Patawad, ngunit ang lahat sa atin ay unti-unting nagbago na.


Feel free to send in your poems (English or Tagalog) via message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right approve or reject submissions for posting.

Comments Go Here ▼

Comments

SHARE
Previous articlePangako
Next articlePara Sa ‘Yo