Akin Ka Lang

by Susie | shared on He Said, She Said |

“Akin Ka Lang”
Tatlong salita na iyong binanggit
Ngunit bat biglang ang tamis naging pait
Ang tuwa’y naging sakit
Tila isang lobo na nawala sa langit.

“Ikaw aking mahal at wala ng iba”
Araw araw mo akong binibingi ng matatamis mong salita
Pag pikit ko’y naririnig parin ang tinig mong sinasabing
“akin ka lang”
Pero bakit ngayon sinasabi mong “oras lang ang kulang”
At nawala na nang lubusan.

“Kaya pa ba?”
Nagbibingibingihan sa gusto mong iparating
“Kakayanin”
Sagot ko sa tanong mong nakakapraning
Ang hirap pala pakinggan ang katotohanan
Kung ang gusto mo lang marinig ay ang kasinungalingan.

“Hindi bibitaw”
Ngunit ako’y binitiwan na
Sana sinabi mo na ding
“Hindi kita mahal”
Baka sakaling ulit kang magsinungaling.


Feel free to send in your poems (English or Tagalog) via message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right approve or reject submissions for posting.

Comments Go Here ▼

Comments

SHARE
Previous articleForever?
Next articleSoon