Aking Buwan

by Kiana Concepcion | shared on He Said, She Said |

Gabi gabi
nagaantay sa dalampasigan
inaantay na araw ay lumubog
at ika’y muling masilayan.

Tinitiis ang lamig
‘pagkat alam kong ika’y makikita
minsan nang napaisip
kailan pa kaya magsasawa?

Di ka ba nagtataka
kung bakit dito kita laging inaantay?
‘pagkat ika’y parang buwan
nagbibigay liwanag sa mundo kong madilim,
nagbibigay ng pansamantalang kaligayahan,
pansamantala? kasi alam kong
lilisan ka na naman kinabukasan.

Sa’n ka nga ba nagpupunta?
malamang dun sa kabilang mundo
doon sa tinatawag mong mundo mo
kung saan ka masaya
kung nasa’n ang iyong puso.

Masyado nang masakit
tuwing aking iniisip
na ang aking iniibig
meron nang ibang pinipilit.

Ganon ba talaga kaganda ang bitiun
para iyong mahalin?
naantig ba sa kanyang ningning?
oh sige aking sisikapin
maging ganoon din.

maaari ngang mahal pa rin kita
pero nagmumukha nang tanga
nakatulala sa ‘yo
habang nakangiti ka sa iba.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

Comments Go Here ▼

Comments

SHARE
Previous articleAng hirap pala
Next articleUnfair