Ako ay Ako

by Jason Elnas | shared on He Said, She Said |

Ganito ba talaga humusga ang mga tao?
Naging basehan ang iyong tunay na pagkatao
Pinilit kong baguhin ang ako,
Upang maramdaman ko man lang
kung gaano pahalagahan at mapuri nang totoo,
Hindi ko man lang inisip kung ano ang magiging epekto

Ginawa ko ang lahat at kung ano ang dapat
Subalit kulang pa rin at ‘di sapat,
At ito’y mas lalo ko pang ikinagugulat
nang hindi ko na kinaya at ako’y nagtapat

At ngayo’y alam nila ang katotohanan
Hindi ko ito ikinahihiyaat ito’y pinaninindigan
Pero hindi pala ganito kadali at nang kanila’y nalaman,
mas lalo akong kinutya at hinusgahan

Ako’y nadapa
Wala man lang tumulong ni isa
Mas lalo ba naman akong nasaktan at nagdusa
Kaya may mga katanungan ako sa isip na,

Ako ba’y mali?
Na ako’y magiging ganito kasawi
O sila ang hindi makaintindi
Sa mga bagay na aking pinili

OO, ako’y nasaktan, pinagkaitan at pinandirihan
Kaya sa tingin ko hindi magtitiyaga
Dahil sa aking gjnawa ito’y nagbibigay saya

Ang gusto ko lang sana mabuksan ang isipa nila
Na hindi sa lahat na sila ang tama
‘Di ko rin sasabihin na sila’y mali,
Dahil iba’t-iba tayo ng pagkakaintindi

May mga bagay lang talaga na mahirap maintindihan
Subalit alam naman nating lahat na hindi pa ito huli
Dahil mabibigyan din yan ng mga paraan
Na malalampasan ng paunti-unti

Kaya ngayon ako’y malaya
Walang takot na pangamba,
Bigat na dinadala
At pait na dinarama

Kaya’t habang tayo’y humihinga
‘Wag mawalan ng pag-asa
Laban lang hangga’t kaya mo pa
at kung ika’y pagod na,
may oras ka namang magpahinga.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

Comments Go Here ▼

Comments