Ako Na Ang Bahala

by Michaela Graciela Ong | shared on He Said, She Said

Sa mundo, ako itong tipo ng tao na
Mag-isa palagi, mag-isang lumuluha,
Mag-isang tumatawa na halos paghinalaang ako’y para bang isang loka-loka
Ako yung laging nag-iisa…
Mag-isa sa lahat ng bagay,
Kahit na pwede naman itong maging pandalawahan o higit pa.

Ako na ang bahala
Sa mga salita na mas pipiliin kong isulat na lamang
Ako na ang bahala kung paano mabubuhay ang tinig nitong tula,
Tula na iniaalay ko para sa’yo sinta.
Ako na rin ang bahala sa kung ano ang magiging kulay ng mga salita
Ako na rin ang bahala, sa kung paano nito pararagasain ang iyong luha.

Ako na ang bahala, kung ako’y kakapit pa ba sa iyong mga salita,
Salita na hanggang salita na lang dahil hindi mo ito makuhang magawa.
Pero kahit na, ako ng bahala,
kung ang pagtakbo ko ba patungo sayo’y bibilisan ko
o pagpapasyahan ko na wag na lang
at ako’y mananatili na lamang doon sa gitna ng dalawang pinto.
Unang pinto na yaong tutulungan akong makapunta sa piling mo
O ang pangalawang pinto, na magtutulak sa ‘kin papalayo,
at iyon din ang pinto na hahayaan na lamang akong mawala
at mawalay sa iyo.

Ako ito, ‘wag kang magtaka,
Ako parin ito ngunit ako’y nagising na
Nagising na sa katotohanan na hindi ko na pala kaya
Hindi ko na pala kaya na makipag-laban ng mag-isa.
Hindi ko na pala kayang ipaglaban,
Ang isang taong tulad mo
na hindi man lamang ako makuhang maipaglaban,
kahit minsan.
Ako ng bahala, sa sarili ko
Ako ng bahala sa mga naipon nating mga ala-ala,
Ako na ang bahala,
Kaya palalayain na kita.
Masaya rin naman ang mabuhay,
kahit minsan, ng mag-isa, kahit wala ka.
‘Wag kang mag-alala, makakalimutan din kita,
ako na ang bahala.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

Comments Go Here ▼

Comments