Ako na Walang Ikaw

ni Trinah Dela Cruz

Ikaw na may ako at ako na walang ikaw
Ikaw na may ako dahil andito padin ako para sayo
Ikaw na may ako dahil hawak mo padin ang puso ko
Hawak mo padin ang puso ko kahit matagal mo ng binitawan ang kamay ko Ikaw na may ako dahil Pinagmamasdan padin kita mula sa malayo Kahit na ang mata mo ay nakatingin na sa iba
Nakakapit padin ako kahit na kinakapitan mo na sya
Andito padin ako umaasa na babalik ka
Kahit na alam ko na may Mahal ka ng iba

Ako na walang ikaw..
Oo ako na walang ikaw dahil matagal ka ng bumitaw
Matagal mo ng sinira ang mundo nating ginawa
Minahal mo lang ako ng pansamantala
At ang ikaw at ako.. Ang tayo ay matagal ng nawala

Pero kahit Si ikaw ay kinalimutan na si ako
Naninitili padin ang pagmamahal ko para sayo
Patuloy padin akong bumabalik sa nakaraan nung panahong meron pang “Tayo” Ang pagibig ko patuloy na nakalaan para sayo Si ako ay Bumalik, Bumabalik at Babalik sa nakaraan
Sa Panahon na ang pagmamahal mo ay sakin pa nakalaan
Sa panahon na si ikaw ay Mahal pa si ako at ang “Tayo” ay nagmamahalan

Pero eto si ako na walang ikaw
Si ako na naliligaw
Si ako na patuloy na bumabalik sa “Tayo”
Si ako na pinagmamasadan si ikaw mula sa malayo
Si ako na umaasa padin kahit ang bumalik ka ay malabo
Si ako na nakakulong sa nakaraan nating dalawa
Si ako na patuloy na sumusugal kahit walang pantaya
Mahal, eto ako nakakulong sa sayo, satin sa Dating tayo
Si ako ay patuloy na nagmamahal sayo
Si ako na patuloy umaasa sa pagbabalik mo
Si ako ay Bumalik, Bumabalik at Babalik sa dating tayo.

ako-na-walang-ikawAt ito po yung reply niya:

Kamusta Mahal. Pasensiya Dating Mahal. Tama ka nga sabay nating ginawa ang mga bagay na nabaggit mo. Pero mahal, Dating Mahal, tulad mo naalala ko pa kung gaano kasarap sa pandinig ang salitang “Mahal mo ‘ko.”

Pero Mahal, Dating Mahal, kung paano mo naalala ang pagtitig ko sa ‘yong mga mata, gayun din ako.

Kaya Mahal, Dating Mahal, nawa’y mapatawad mo ‘ko. 

Pero may iba na akong tinititigan sa mata gaya ng sa ‘yo. Pero maniwala ka, gusto kong lumigaya ang tulad mo.

Kaya muli Mahal, Dating Mahal, salamat sa pagmamahal mo at patawad sa mga pangakong napako ko.

Comments Go Here ▼

Comments