Alaala nating Dalawa

by Jezreel Faith Valdez | shared on He Said, She Said |

Heto na naman ako, iniisip ang mga pangako mo
Pangakong hindi ipagpapalit kahit kanino man
Pangakong hindi ipagpapalit sa anumang bagay
Pangakong hindi ipagpapalit dahil ako’y mas mahalaga
Pangakong hindi iiwan
Hindi iiwan kahit na may problema
Hindi iiwan kahit na kumupas ang aking ganda
Hindi iiwan kahit mag mahal na ko ng iba
Pangakong hindi ako susukuan
Hindi ako susukuan kahit di na ko maintindihan
Hindi ako susukuan kahit ika’y nasasaktan
Hindi ako susukuan dahil ako ang iyong pakakasalan
Mahal ano nang nangyare sa ating dalawa
Mahal akala ko ako lang, akala ko tayo’y magtatagal
Mahal akala ko di mo ko iiwan, akala ko di mo ko susukuan
Mahal akala ko tayo ay kakapit lang, akala ko mga makasisira sa relasyon natin ay iiwasan
Mahal akala ko…
Akala ko lang pala mahal
Akala ko hanggang dulo na
Akala ko ikaw na talaga
Akala ko lang pala
Mahal sobrang sakit
Sobrang sakit kumapit dahil ika’y bumitaw na
Sobrang sakit lumaban dahil ikaw mismo’y sumuko na
Sobrang sakit na nalulungkot ako ngunit ika’y nagsasaya
Nagsasaya na parang wala kang paki, wala kang paki sa mga nangyayari
Mahal, pinaglaban ko ang relasyon natin
Kahit malabo na, pinilit ko pa rin palinawin
Kahit sira na, pinilit ko pa rin ayusin
Kahit sobrang bigat na, pinilit ko pa ring pasanin
Pasanin mag isa lahat ng hirap
Pasanin mag isa lahat ng kirot
Pasanin mag isa lahat ng sakit
Sakit na aking naramdaman sa iyong mga salitang binitawan
Na sobrang nag iwan ng sugat sa aking puso’t isipan
At iyong pinaramdam na ako’y hindi na kailangan
Mahal, magtatapos ako sa bilang na katanungan
Mahal, wala na ba talaga?
Relasyon nati’y wala na bang pag asa?
Nararapat bang isa’t isa’y kalimutan na?
Kalimutan lahat ng masasayang alaala?


Feel free to send in your poems (English or Tagalog) via message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right approve or reject submissions for posting.

Comments Go Here ▼

Comments