Alam Ko

alam ko

ni JL

Alam ko hanggang ngayon masakit pa rin.
Alam ko hanggang ngayon nasasaktan ka pa rin.
Gumigising ka pa rin sa bawat umaga na alam mong malungkot ka.
Na alam mong may nawala sa’yo.

Oo masakit isipin na sa isang iglap lang
nawala iyong taong inakala mong mananatili sa buhay mo.
Iyong taong pinangarap mo at pinagdasal mo na sana s’ya na yung para sa’yo.
Masakit gulatin ng katotohanan na sa isang iglap lang
binitawan ka ng taong akala mo mahal ka rin.

Sa isang iglap lang sasampalin ka ng katotohanang meron na s’yang iba agad.
Na kinalimutan na lahat ng pinagsamahan n’yo.
Sa isang iglap lang nabura lahat ng ginawa mo para sa kanya
dahil lang nakahanap na sya ng iba na sa tingin nya higit sa’yo.

Masakit, alam ko sobrang sakit pa rin
Kasi sa huli pinaramdam n’ya na wala kang halaga sa kanya.
Parang basura na bigla lang tinapon.
Alam ko masakit kase parang walang hustisya sa parte mo
kase ganon lang pala kadali na bitawan ka.
Alam ko masakit, alam kong may mga sandali na parang nalulunod ka sa sakit.

Basta lakasan mo lang ang loob mo,
Darating din iyong isang araw na hindi na masakit.
Iyong isang araw na wala na din yung kirot.
Iyong gigising ka ng isang umaga na masaya ka na.
Maniwala ka matatapos din lahat yan.
Darating din iyong araw na  magiging masaya ka na kahit wala na sya.
Isipin mo na lang na kahit gaano kasakit nabubuhay ka pa rin araw araw
Kahit di mo na sya nakikita.
Na hindi mo na sya nakakausap, na wala nang mensahe galing sa kanya.

Makakaya mo yan.
Isipin mo na lang na hindi mo kailangan ng taong hindi ka pinahalagahan.
Hindi pinahalagahan lahat ng ginawa mo para sa kanya.
Hindi mo kailangan ng taong sinayang ka lang.
Hindi binigyan ng halaga ang lahat ng sinakripisyo mo para sa kanya.
Madali ka lang nyang kinalimutan kasi hindi ka nya minahal ng tama.
Hindi mo kailangan ng taong ipaparamdam sa’yo na kulang pa, na hindi ka sapat.
Dahil alam mo sa sarili mo kung gaano at paano mo s’ya minahal.

Oo hindi ka perpekto.
Nagkakamali, minsan may nasasabi na hindi tama
pero kung mahal ka nya talaga hindi sya bibitaw sa’yo.
Sinisi ka pa n’ya kesyo ganito
pero ang totoo kaya s’ya bumitaw kase may iba na syang gusto.
Di ba ang bilis lang.

Hindi mo kailangan ng isang taong kagaya n’ya.
Hindi dapat pinanghihinayangan ang walang kwentang tulad n’ya.
Yung totoo di ba alam mo na hindi mo deserve ang kagaya n’ya.
Hindi s’ya marunong makuntento.
Hindi n’ya nakita iyong halaga mo.
Pero alam ko na sa kabila ng lahat nasa puso mo pa rin s’ya.
Ganon talaga kung sino iyong totoong nagmahal s’ya iyong mas nasasaktan.
Okey lang yan. at least alam mo na nagmahal ka ng tama.
Minahal mo s’ya sa paraang kung panong gusto mo rin sanang mahalin ka.
Wala sa’yo ang problema, s’ya yung di marunong magpahalaga.

H’wag mong isipin na pangit ka kasi hindi iyon totoo.
Maganda ka, maganda ka sa sarili mong pamamaraan.
Special ka, unique sabi nga nila.
Maganda ka sadyang malandi lang s’ya.

Alam mo hindi naman ikaw ang nawalan eh.
Hindi dapat panghinayangan ang ganong klaseng tao
na kayang kaya kang bitawan anumang oras.
Minahal mo na ng tama, pinagpalit ka pa.

S’ya ang nawalan, nawalan sya ng taong nagmahal sa kanya ng totoo.
Alam mo kung ano ang kapasidad mo pagdating sa pagmamahal ng isang tao.
Pero alam mo kahit ano pa ang gawin mo
kung di talaga marunong mag appreciate yung taong yun balewala pa rin yun.

Alam ko balang araw maaalala n’ya din lahat ng ginawa mo para sa kanya.
Pero sa araw na iyon wala ka ng pakialam.
Sa araw na yun magsisisi s’ya at manghihinayang dahil pinakawalan n’ya ang taong ngmahal sa kanya ng totoo at inalay ang lahat sa kanya.
Ang taong minahal ang lahat lahat sa kanya kasma na imperfections n’ya.
Isang araw maiisip nya yun pero alam mo ‘pag nangyari yun masaya ka na.

Maniwala ka magiging masaya ka rin.
Mawawala din yung sakit.
Maniwala ka mapapawi lahat ng lungkot at mapapalitan ng saya.
Maniwala ka lang, alam ko isang araw mangyayari din yan.

Comments Go Here ▼

Comments

SHARE
Previous articleBusy?
Next articleMy First Love, Thank You!