Alam Mo ba?

by Evamae Manacho | shared on He Said, She Said |

Alam Mo ba?
Nung ‘di pa kita kilala
Para akong isang tupa
Tupang walang pastol
Na kulang na lang ay tuluyang mahulog
Sa banging puno ng patalim
Dahil sa ‘king mga pinakatatagong lihim
Alam mo ba?
‘Nung di pa kita kilala
Wala ‘kong ibang makita kundi walang hanggang kadiliman
Na sa sobrang dilim ay wala na akong makitang dahilan
Upang ipagpatuloy pa
Ang paglanghap ng hanging nagpapagalaw sa aking sistema
Alam mo ba?
‘Nung di pa kita kilala
Tila ba ang oras ay mabagal lumipas
Sawang-sawa na ‘ko
Sa paikot na daloy ng mundo
Hindi ko mahinuha
Kahalagahan ko sa lupa
Alam mo ba?
Nung ‘di pa kita kilala
Sa paningin ko’y di ako kamahal-mahal
Na kahit kailan ay hindi ko maririning ang “Labis Kitang Mahal”
Pero, alam mo ba?
Nung nakilala kita
Mundo ko’y tila bumaliktad bigla
Natutunan ‘kong ngumiti
Ngayo’y pakiramdam ko ay nandyan ka palagi
Nabigyan ako ng bago at diretsong daan
Patungo sa Kaligayahan
Ang oras ko’y nagsimulang bumilis
Mga biyaya’y bumubuhos ng mabilis
Kadilimang minsang bumalot sa akin
Napalitan ng araw na tunay na kalinawan ang liwanag na angkin
Para akong isang buwan
tinatanaw ang kaliwanagan ng araw
At kung wala ito
ay mabibigo rin akong paliwanagin ang gabi niyo
Nalaman ko kung ano ba ko sa mundo
Kung bakit pinaka magandang likha ang sakin ay turing mo
Naramdaman kong kamahal mahal ako
Na kahit buhay mo’y inialay mo
Pinarating mo
Na kahit ilang beses ka ng ipinahiya at pinako
Mananatili kang tapat at ito ang iyong pangako
Alam mo ba?
Nung nakilala Kita
Ang buhay ko’y Ikaw na.


Feel free to send in your poems (English or Tagalog) via message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right approve or reject submissions for posting.

Comments Go Here ▼

Comments