Andyan Ka na Naman

Andyan Ka na Naman

from message sender “Fiona” |

(We at He Said She Said change the actual names and places and edit some parts of the message, to protect the identity of our message senders.)

Hi Tito Homer “Buddy” and Tita Jasmin “Jinky”.

I just need someone to share all of these. I can’t share these to my friends kasi siguro nahihiya na ko sakanila. Syempre busy sila lalo na sa studies, ayoko naman sila abalahin. And whenever i tried to open these to them, umuurong dila ko. There’s something na pumipigil para di ako magkuwento. Super open ako sa mga friends ko, mostly nasasabi ko sa kanila, pero I don’t know kung bakit ganto ako ngayon.

Nagdadalwang isip na ko kung magku-kuwento ba ko. Dati naman kasi whenever i feel lonely, share agad ako sa kanila pero ngayon ayoko malaman nila nararamdaman ko. Mas pinipili kong itago nalang sa sarili ko kahit nahihirapan na ko. And para naman mabawasan na yung bigat na nararamdaman ko, naisipan kong sanyo nalang ako magmeesage.

Super mababaliw na ‘ko ngayon. Today’s not my day. Dami nangyari ngayon na hindi maganda. Simulan nalang natin sa girlfriend ng ex ko. She chatted me. Nakikiusap s’ya na wag ko na daw sila guluhin ng ex ko, where in fact, yung ex ko naman talaga nanggugulo sa ‘kin.

I’m trying to move on, pero pilit na gumagawa yung ex ko ng paraan para di ako makawala sakanya. Gusto makipagbalikan sa ‘kin ng ex ko, while he’s in a relationship with another girl. Ang hirap kasi sa mata nung girlfriend nya ako yung masama. Ako yung nanggugulo sakanila. And hindi nya magawang i-confront yung boyfriend nya (my ex), kaya ako nalang yung kinakausap nya. Hindi ko na kinaya. Sumabog na ‘ko.

This isn’t the first time na chinat nya ko. Actually, third time na. Kaya sumabog na talaga ako kasi bakit parang laging ako nalan yung pinagmumukha nyang kontrabida sa relasyon nila. Aaminin ko naman na I still love him, pero wala naman ako balak agawin sakanya yung ex ko. Kasi kung meron man, eh di sana nung una palang pumayag na ‘ko makipagbalikan, and im doing my best na di sya pansinin kahit ang hirap-hirap. Yung feeling na ginagawa ko naman best ko para umiwas pero bakit hindi man lang mapansin yung ginagawa ko, bakit ako pa din yung may kasalanan. And since sumabog na ko, I told my ex na magpakatotoo na sya, na aminin nya sa gf nya mga pinagsasasabi nya sakin like sya naman talaga yung mapilit at nanggugulo.

Sabi nung ex ko s’ya na daw bahala makikipagbreak na daw sya. Ito na daw yung opportunity para gawin yun kasi wala naman daw syang maidahilan dati if makikipagbreak s’ya dahil wala naman daw sila pinag-aawayan. And with that, di ko alam kung ano ba dapat maramdaman ko.

Siguro nung una natuwa ako kasi ito naman yung gusto ko eh magkabalikan ulit kami, pero nung nagsink in na sa ‘kin, parang di ko kaya na magkaboyfriend ulit. Yung tipong may nasaktan kaming iba lalo na at babae. Natatakot ako na baka hindi ko kayanin ulit maging girlfriend n’ya, baka hindi ako maging mabuting gf. Natatakot ako na baka pagsisisihan nya na iniwan nya yung isa. Natatakot ako na baka yun naman ang kulit-kulitin nya na balikan s’ya. Ayoko bumalik sakin yung nararanasan nya ngayon. And natatakot din ako sa sasabihin ng iba sa ‘min pag nalaman na nagkabalikan kami.

Lahat ng friends ko ayaw sa kanya and ganun din family ko. Ang hirap. Gusto kong ako yung piliin nya, umaasa ako na iiwan nya yung isa, pero ang hirap naman kung magkakabalikan kami. Hindi ko na alam…birthday pa naman n’ya bukas and monthsary nila. What to do?

-“Fiona”

He Said, She Said:

Hi Fiona,

You have a lot to gain when you are finally OVER your ex. Ex na nga siya, di ba? Tapos galing na siya sa iba (o iba-iba) — then ok lang sa ‘yo yun? C’mon, be fair to yourself. There are billions of people in this earth. Think about it. Napakalaki ng mundo na ginagalawan mo. Di dapat sa ex mo umiikot ang world mo. Break that shell and conquer the world. Face your fears and be free. Ask God to break the bonds you have with your ex. Ask God to guide you and give you clarity. Start with going out more often with friends. Maybe, even a new set of friends will help. Be with your family — the very people who love you most. Point is, don’t ever go back that lonely and hurtful road. Nagawa na niya sa ‘yo at sa current niya, gusto mong gawin ulit sa yo? Don’t feel na love ka niya kesa dun sa current dahil lang kinukulit ka niya. Gusto lang niya, marami kayong nakapaligid sa kanya. You’re feeding his ego. Yun lang yun. Wag ka ma-trap sa bitag niyang muli, ok? Gising na! God bless!

-Tito Homer & Tita Jinky

Reply from Fiona:

Thank you for the advice Tito Homer & Tita Jinky!! Mas pinili ko pong gawin kung ano ang tama. Thank you for enlightening me. Sana madami pa po kayo matulungan sa mga advice and words of wisdom nyo. God bless po!

VIDEO: Di Na Natuto - Noel Cabangon

Comments Go Here ▼

Comments