Ang Akala Ko

by Elbie Jane Lutero | shared on He Said, She Said |

Akala ko
Masaya na ako
Saya na di kailangan ang presensya mo
Saya na magkalayo na tayo
Saya na wala ka sa tabi ko

Akala ko
Di ka kailangan sa buhay ko
Yung kaya kong mawala ka sa piling ko
Kaya kong hindi na ako ang mahal mo
Kaya kong makikita kang masaya sa piling ng ibang tao

Akala ko
Nakalimutan na kita
Yung limot na pang habangbuhay na
Yung limot na kahit pangalan mo di ko na maalala pa
Yung limot na pati buong pagkatao mo ibinaon ko na

Akala ko
Habangbuhay na kitang di makikita
Kahit sa mga pangarap ko wala ka na
Kahit sa panaginip ko di kita kasama
Pati anino mo di ko na makilala pa

Pero ang lahat ng iyon ay buong akala lang pala
Dahil ngayon, andito ka na
Bumalik ka, bumalik ka sa buhay ko
Na minsa’y pinangarap ka

Pinangarap ka na maging parte nito
Pinangarap na makasama ka ng buong-buo
Na pati sa puso ko nakaukit ang pangalan mo

Ngayon, bumalik ka na
Di ko hayaang mawala ka pa
Di ko hayaang bumalik yung dati na di tayo nagkikita
Di ko hayaang makuha ka nanaman ng iba

Dahil ikaw
Ikaw lamang ang minahal ko nang ganito
Sayo lamang tumibok itong puso ko
Ikaw lamang ang buhay ko
Ikaw lang ang nag-iisang mahal dito sa puso ko
Wala nang iba kundi ikaw lang
Ikaw lang, Mahal Ko.


Feel free to send in your poems (English or Tagalog) via message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right approve or reject submissions for posting.

Comments Go Here ▼

Comments