Ang Aking Ina

By Jomar Castillo | shared on He Said, She Said |

Ang aking ina, na kahit kelan hindi ko ikakahiya.
Ang aking ina, na ubod ng ganda.
At siya ang unang babae na aking inibig, bago ang iba.

Maging ugod-ugod man ang kanyang katawan, siya’y aking gagabayan.
Lumabo man ang kanyang mata, hinding-hindi ko siya bibitawan.
Pumuti man ang kanyang buhok, patuloy ko siyang iingatan.

Ngayong kailangan niya ‘ko,
hinding-hindi ko siya ko siya iiwan.
Salamat sayo aking ina, sapagkat ako’y iyong isinilang.
Kaya’t hanggang dulo ika’y aking papasalamatan.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

Comments Go Here ▼

Comments