Ang Babaeng Mahal Ko

by Axel Pino |

Hindi siya ang pinakamaganda sa balat ng lupa
Hindi din siya kasing hinhin ni Maria Clara
Hindi siya yung klase na maraming talento
Sa makatuwid hindi siya ang babaeng pinangarap ko

Hindi siya pinakamaganda
pero siya ang hinahanap sa tuwina
Hindi siya mahinhin
pero siya ang nagpapasaya sa akin

Wala siyang gaanong talento
Pero siya ang sa akin kumokompleto
Hindi nga siya ang pinangarap ko
Pero siya naman ang mamahalin ko hanggang dulo

Dumating man ang ideal girl ko
Hindi ko ipagpapalit ang future wife ko
Walang dahilan bakit ko siya minahal ng sobra
Kaya wala din pwedeng dahilan para iwanan ko siya

Dahil minahal ko siya hindi dahil sa katangian niya
Minahal ko siya kasi mahal ko lang talaga siya
Walang paliwanag, walang dahilan
Kasi ang pagmamahal kahit kailan wala naging basehan

Kung ang pagmamahal mo ay may dahilan
Paano kung nawala na ang gusto mong katangian?
Dahil kahit anong katangian tulad ng talino at ganda
Lahat yan p’wede magbago o maglaho na parang bula

Paano pag nawala na ang dahilan bakit mo siya gusto?
Mawawala na din ba pati ang nararamdaman ng puso?
Kaya ako, mahal ko siya walang bakit o paano
Dahil ang pagmamahal hindi pwedeng limitahan ng mundo.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

Comments Go Here ▼

Comments