Ang hirap pala

by Angelica De Pedro Gavino | shared on He Said, She Said |

Sa ‘yo ko lang ulit naramdaman ang pag-ibig na totoo
Pinasaya ako, ngunit binilog ang utak ko
Akala ko magtatagal ka
Yun pala, aalis ka din tulad nila

img_20160723_173754Ilang buwan lang kita nakasama
Pero napuno ako ng saya at pag-asa
Pinaramdam mo sakin kung gaano ako kahalaga
Bagamat nung iniwan mo ko, sobrang bigat ng nadarama

Nahulog at pina ibig mo ko
Muling tumibok ang pintig ng puso ko
Puso kong nananahimik
Ginulo at ginago mo

Ang hirap pala umasa
Umasa sa mga bagay na akala mo ay totoo na
Akala ko tayo na talaga
Ang di ko alam pinagtagpo lang pala tayo ng tadhana

‘Fall out of love’ ang huli mong sinabi
Mga katagang sinabi mo bago mo ako iniwan sa ere
Hindi ko alam kung anong nangyari
Ang alam ko lang nasaktan ako sa iyong sinabi

Para tayong pinaglaruan ng tadhana
Pinasaya ngunit dala pala nito’y pighati sa t’wina
Pinagtagpo hindi para saktan at lumuha
Kundi matuto at malaman ang tama.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

Comments Go Here ▼

Comments