Ang Kuwento Nating Dalawa

by Rose Fortuna-Rosalie | shared on He Said, She Said |

Tayo’y magtatagpo muli at muling babalikan ang isang munting paraiso, kung saan minsan din nating pinagmasdan ang mga tala sa ilalim ng kalangitan. Habang tinutugtog sa saliw ng musika ang awiting Moonlight Over Paris ni Paolo Santos, sa lugar na kung saan kung tawagin nila ay Intramuros.

Tanging alapaap lamang at mga bituin ang nagsilbing saksi, habang pinagmamasdan mo ang aking mga ngiti na hindi ko mawari, bakit hindi ka mawaglit sa akinh paningin tila ba ay naaakit na din.

Pilit sinasariwa ang mga alala n kaybilis lumipas, akala ko noon ay wala ng wakas. Hindi pala! Paanu nga ba naman magmamahalan ang isang labing tatlong gulang at labing apat na gulang lang, oo naman aminin natin kapwa tayo musmos lamang.

Ganun pa man, kaysarap magbalik tanaw sa ating unang pagiibigan. Nararamdaman pa din ang unang pintig ng pusong sabik. Nasabi ko kanina akala ko itong ating pagmamahalan ay walang katapusan, aking napagtanto ito pala ay kailangan nating pagdaanan. Itong si pagibig at tadhana sinabi na ang mga magaganap sa ating dalawa hindi pa dapat! At ang lahat nga sa atin ay nawala ng isang saglit at isang iglap.

Tunay nga na my mga bagay na nararapat munang maganap. Katulad ng makapag aral, makapag hanap-buhay, at makita ang walang hangang buhay na kaloob lamang ni Hesus. Maging ang mga tao na dapat mong makilala at dapat ko din makilala. Ang lahat ng ito ay may dahilan pala. Maraming hatid na aral para sa ating dalawa.

Lumipas ang oras, araw, panahon, buwan at taon na napalayo na natin sa isa’t isa. Walang komunikasyon dahil tila ba wala n din rason. Itong si Pagibig at Tadhana gumawa ulit ng daan, pagibig n akala natin natuldukan na ito pala ay ating ipagpapatuloy pa.

Mga alala na kaybilis nawaglit, tayo pala ay magtatagpo ulit. Sa lugar n kung saan tayo lang ang may tanging alam doon kasi natin napatunayan wagas pala ang ating pagmamahalan! At ikaw pala talaga ang nakalaan, kailanman hindi ko ito inasahan tayo pala ay magbabalikan.

Ang aking hiling at dalangin, sana’y dinggin ng Maykapal sa lahat ng ating pinagdaan at pagdadaanan pa.
Minsan pa, matagpuan natin sa bandang huli, sa pagitan ng ating mga ngiti. Sa pagitan ng noon at ngayon.

Nawa’y tayo pa rin ang magtatagpo muli dahil puso ko ay tunay nga na lumigaya uli!

Comments Go Here ▼

Comments