Ang K’wento Nating Dalawa

by Blaize Carreon | shared on He Said, She Said

ano nga ba ang k’wento natin?
ano bang namamagitan sa ‘tin?
dito aking ilalahad,
damdaming nangungusap

sa aking napanuod,
kung san landas ay nagtagpo
sa di man tamang panahon
sila ay nagkasundo

nagmahal ng lubos
patago at mapusok
maling mali sa mata ng iba
ngunit sa kanila’y wagas na saya

itong kasiyahang ito wari’y may katapusan
maling mali sa lahat ng anggulo at aspeto
maging sa puso’t isip ay ikinukubli
hanggang kailan? ako kakapit dito?

ngayong ako’y nangungulila
sa katotohanang aking pinakatatanggap
akoy iyong sagipin
ipaglaban damdamin sa akin

kung ikay papadaig sa halinhin ng iba
akoy iyong bitawan, layuan
hayaang humayo pusong sugatan
alam kong itoy maghihilom sa tamang panahon

kaya kung ikaw ay naguguluhan
iyong laging pakakatandaan
sa isang tunay na nagmamahal
sa puso nya’y kailanman walang alinlangan.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

Comments Go Here ▼

Comments