Ang Namatay Kong Puso

By Janessa J. Orbeta | shared on He Said, She Said |

Mahal kita, mahal mo ako
Mayroon tayong mga pangako
At ngayo’y di ko alam bakit napako
Pag ibig na minsa’y nabuo at tuluyang naglaho
Mga ginawa mo sa ‘kin
Na hinding hindi ko malilimutan
Oo, minsan ako’y nasaktan
At hinding hindi ko malilimutan ang ating nakaraan
Ako’y nangungulila
Oo, nakatira tayo sa isang teorya ng kontinente
Kontinenteng naghiwa-hiwalay
matapos ang ilang di mabilang na taon
Naghiwalay at nag iwan ng malaking tanong
Bakit mo ko kailangang iwan
Labis na hindi maintindihan
Gusto ko na lamang malimutan
Ang mga alaala na nagdulot ng kasiyahan
Ngunit may kapalit na kalungkutan.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

Comments Go Here ▼

Comments