Ang pag-ibig mo’y tulad lang din sa iba

by Janah Eihzyl | shared on He Said, She Said |

Ang pag-ibig mo’y tulad lang din sa iba.
Buong puso mong inaalay ang lahat ngunit ngayo’y mas pinili mong mawala na.
Sabi mo sakin “mahal gagawin ko lahat upang tayo’y magtagal”
ngunit bakit ngayon ay pinipilit mong mawala ang iyong pagmamahal?
Parehas tayong biktima ng mapait na nakaraan,
Iniwan,pinangakuan at sinaktan.
Ngunit mahal,binuksan ko ulit ang aking puso upang ito ay iyong mahalin
At muling naniwala na “baka nga ikaw na ang bubuo sa magiging mga pangarap natin.”

Isang araw,bigla mo na lang sinabing “kaibigan na lang tayo dahil ayaw kitang saktan”
At sabi ko nama’y “handa akong masaktan basta’t ikaw ay akin ng nakamtan.”
Ngunit ayaw mo na
Sinabi mong “tama na.”
Subalit, sa bawat araw na tayo’y ‘magkaibigan’ na lang
Mas lalo akong napapamahal at masasabi kong ikaw pa lang,
Ikaw pa lang ang nagparamdam sakin kung gaano kasaya masaktan.

Mahal,alam kong masyado kang nasaktan sa iyong nakaraan,
ngunit kung hahayaan mo lang na ito ay aking patunayan,
Mahal,kaya kitang mahalin ng higit pa sa kaibigan.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

Comments Go Here ▼

Comments