Sandalan Mo

sandalan mo

ni Krischelle Ann

Heto ka na naman
hindi maipinta ang mukha
nakatingin sa kawalan
‘andito ka pero parang wala.

Dahil isip mo’y lumilipad
lumulutang kasabay ng mga ulap
na madidilim, ulang nagbabadyang pumatak
parang luha sa iyong nga mata.

Walang humpay sa pag-agos
damdaming hindi alam paano ibubuhos
simula ng sinabi niya sayong
“ayoko na. pagod na ako.”

Mundo mo’y gumuho sa isang iglap
nakiusap, lumuhod, nagmakaawa
pero walang nagbago sa mga huling salita
tuluyan na siyang lumisan.

Ramdam ko ang sakit na iyong dinadala
alam kong binigay mo na ang lahat
gustong gusto mong balikan
dahil alam kong siya talaga.

Handa kang mapagod kakahabol
kayang magsakripisyo ng kahit ano
magpapakumbaba kung kinakailangan
ganyan mo siya kamahal.

Pero alam mo kung anong mas masakit?
yung makita kang humahagulgol ng iyak
nagmamakaawa sa pag-ibig niya
at heto ako, tahimik, nagmamasid.

Kung paano ka masaktan, magmukmok
inaalay ang sarili ng buong buo
para maging sandigan sa iyong bagyo
saksi kung paano madurog yang puso mo.

‘Yang puso mong nais kong ingatan
alaga’t pagmamahal na gusto kong iparanas
hindi ko alam bakit paunti unti akong umaasa
na baka isang araw, o kahit minsan.

Makita mo rin ako, kahit alam kong malabo
na magkaroon ng  tinatawag na”tayo”
dahil siya ang bituing pinapangarap mo
at ako’y pader lamang na handang maging sandalan mo.

Comments Go Here ▼

Comments