ANMAalala Mo Sana: Para Kay Anthony

by Maria S | shared on He Said, She Said

Huwag kalimutan
Ang mga bagay na laging ginagawa
Ang mga lugar na laging pinapasyalan
Ang mga pangarap na inasam nating tuparin

Huwag kalimutan
Ang mga biruan at kulitan
Ang mga tawanang pinagsaluhan
Ang mga gintong alaalang hindi na mauulit

Huwag kalimutan
Ang mga matang nangungusap
Ang tamis ng bawat halik
Ang yakap na sobrang higpit

Huwag kalimutan
Ang minsang naging dahilan
Ng pusong lubos na nagalak
Sa pag-ibig na wagas
Kailan ma’y walang papalit

Huwag kalimutan.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

Comments Go Here ▼

Comments