Ano ba talaga ako sa iyo?

by Jane Magluyan | shared on He Said, She Said |

Nagsimula ang lahat sa simpleng biruan
Na para bagang bale wala lang
Hindi kilala ang isa’t isa,
Hindi kahit kailan man naging magkaibigan.

Ngunit isang araw ang simpleng biruan
Nauwi sa di inaasahang totohanan.
Sino nga ba ang unang nagkamalisya?
Siya ba? O ako ba? na sadya lang talagang tanga?

Ang araw araw na palitan nang malalambing na salita
Unti unting nagiging parang bula
Hangang sa umabot sa puntong wala na
Magpaparamdam lang sa oras na gusto n’ya.

Ako naman si tanga, akala importante sa kanya
Hindi lang pala ako ang biktima
Marami palang tatanga tanga
Naniwala sa lahat nang pambobola nya

Gusto ko lang naman malaman
Meron ba talaga akong halaga sa iyo?
Ano ba talaga ako sa buhay mo?
Kasi ako, naging mundo kita, simula’t simula pa.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

Comments Go Here ▼

Comments