Ano? Bakit? Kailan? Paano?

by Alexa Paje | shared on He Said, She Said |

Ano nga ba ang iyong tunay nararamdaman?
Bakit tila lahat ng mga nangyari-yari sa atin
ay isang panaginip lamang
Panaginip na hindi mangyayari kahit kailanman
Tila Isa itong paraiso na imahinasyon lamang

Bakit tila Hindi ko maintindihan ang lahat?
Ang sabi mo sa akin ako’y iyong mahal at ikaw ay tapat
Ngunit bakit ang iyong mga kinikilos ay tila salungat

Kailan nga ba talaga tumibok ang iyong puso para sa akin?
Ang sabi mo ako’y iyong mahal
Ngunit bakit Hindi mo ito masabi ng ako ay iyong harapin
Niloloko mo lang ba ang sarili mo?
O ginagamit mo lang ako upang matakpan ang sugat ng puso mo

Paano mo nga ba ako minahal?
Ito ba ay gaya ng pagmamahal ko sa ‘yo na
Hindi ko masabi kung anong dahilan?
O nadala ka lang dahil nalaman mong ikaw ay akin ng mahal?
Minahal mo nga ba ako?
Patawad dahil sa pag-ibig mo ako’y nag-aalinlangan.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.
Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right approve or reject submissions for posting.

Comments Go Here ▼

Comments