Ano Na Kaibigan?

by Kareen Lairog | shared on He Said, She Said |

Oh, kaibigan ano na?
Tanggap mo na ba na wala na talaga?
Ang pag-ibig na dati ay iyo
At ngayo’y sa iba ipinangako?

Oh, kaibigan ano na?
Sawa na ba ang puso sa emosyong itinatago?
Na paulit ulit mang sabihin na wala na,
pero paulit ulit ding sinisigaw na sya parin talaga.

Oh, kaibigan ano na?
Ubos na ba ang luhang ibinibigay mo sa kanya
Na kahit itago mo man ito sa tawa
Lalabas at lalabas ang luha, kung ikaw nalang mag-isa.

Oh, sige kaibigan lumuha ka
at tumawa, hanggang ika’y magsawa
Hanggang makumbinsi si ISIP at si PUSO na tama,
na di na kaya ang pagdurusa
Baka sakaling marinig ka nila
at mapagtanto ni isip at ni puso na pagod ka na

Ika’y nasaktan,ngunit bumangon ka
At kakayanin lahat nang pagdurusa,
dahil pag natanggap mo na na wala na talaga
Babalik at babalik ang iyong dating sigla
at sasabihin sa sarili salamat
sa iyong ibinigay na pagdurusa.

Oh, kaibigan ano na?
Oh, kaibigan Tama ka.


Feel free to send in your essays or poems (English or Tagalog) via message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one. He Said, She Said Philippines reserves the right approve or reject submissions for posting.

Comments Go Here ▼

Comments

SHARE
Previous articlePaglisan
Next articleSarili ay di maintindihan