Ano nga ba talaga?

by Ma. Fatima Recto | shared on He Said, She Said |

May mga pagkakataon talaga na masasabi mo sa sarili mo na ‘tama na, itigil mo na kasi ang sakit sakit na’.

Mga pagkakataon na hindi mo alam kung may hinihintay ka pa. Mga desisyon na di mo pinag isipan at araw araw mong pag sisisihan. Mga salitang nabitiwan na gustong gusto mong baguhin at balikan.

Gusto mong isigaw ang tunay na nararamdaman ngunit nakatahi na ang mga labi. Gusto mong silipin ang katotohanan ngunit nakapiring ang mga mata. Gusto mong hanapin ang kahulugan ng salitang masaya ngunit di na mailakad ang mga paa.

Ano nga ba talaga? Dahil sa mga bagay na walang kasiguraduhan, sa mga bagay na walang patutungahan at mga bagay na sadyang walang katapusan, nakakalito ang ikot ng mundo sadyang hindi ito perpekto.

Pero sa totoo, dito ka matututo. Matutong tumayo kapag nadapa, matutong lumaban pag nasasaktan, matutong magpahinga pag napapagod na at huli, matutong magmahal muli kahit akala mo di mo na kaya.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

Comments Go Here ▼

Comments