apat-na-taon

Apat na taon

by Daisy Velarde | shared on He Said, She Said |

Just a part of the letter I wrote for our 4th year anniversary. Pero unfortunately, di ko na maibibigay kasi bumitaw na siya.

Apat na taon na tayo pero alam kong hindi pa kita tuluyang kilala. Marami pa akong hindi alam tungkol sa iyo.

Apat na taon na tayo pero hindi ko pa alam ang paborito mong pagkain, ang alam ko lang, gustong-gusto mo ng liempo. Apat na taon na tayo pero hindi ko pa alam ang paborito mong kulay, ang naaalala ko lang na sinabi mo “as long as the color fits the person, okay na yun.”

Hindi ko pa alam ang paborito mong kanta pero ang alam ko, gustong-gusto mong kinakanta ang No Arms Can Ever Hold You sa videoke. Hindi ko alam ang paborito mong movie pero nagustuhan mo ang Forest Gump at Armageddon. Hindi ko alam ang paborito mong Sport. Ang alam ko lang, gustong-gusto mo ang team na Talk ‘n Text sa PBA. At hanggang ngayon, hindi ko pa alam ang size ng sapatos mo. Honestly, hindi ko rin alam kung medium ba o large ang size ng damit mo.

Karamihan sa mga nalalaman ko ay dahil sa mga observation ko sa mga araw na nagkasama tayo.

Kung tutuusin, sa apat na taon nating magkasama, dapat alam ko na ang mga bagay na paborito mo, ang mga basic na information tungkol sayo. At nagtataka ka siguro kung bakit hindi ko tinatanong ang mga iyon sa iyo.

Gusto kasi kitang makilala araw-araw. Gusto kitang makilala habang tinitignan kita. Gusto ko kasing ako mismo ang makadiskubre ng mga bagay bagay tungkol sayo. Gusto kong makilala ka habang magkasama tayo.

We still have a long way to go. Sana sa susunod pang mga taon na pagsasamahan natin, walang bibitaw, walang magsasawa, at walang mang iiwan. Hayaan mo lang sana akong mahalin ka. Hayaan mo lng akong kilalanin ka. Hayaan mo sanang samahan kita sa araw araw.

Marahil nasasabi mo ng kilala na kita, pero mahal, gusto kong kilalanin ka pa.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

Share This!

Comments Go Here ▼

Comments

by Daisy Velarde | shared on He Said, She Said | Just a part of the letter I wrote for our 4th year anniversary. Pero unfortunately, di ko na maibibigay kasi bumitaw na siya. Apat na taon na tayo pero alam kong hindi pa kita tuluyang kilala. Marami pa akong hindi alam tungkol sa iyo. Apat …

Review Overview

User Rating: 4.9 ( 1 votes)
0