Atsumuk ak?

By ChrsLynI | shared on He Said, She Said |

Kumusta ka?
Isang salita,
Isang tanong
Isang sagot.
Kumusta ka?
Dalwang uri ang maaring isagot.
Madalang ang negatibong sagot,
Madalas ang positibong sagot.

Kumusta ka?
Madalang sagutin ng tama.
Madalas ang kasinungalingan,
Pinipilit ang negatibo gawing positibo.

Kumusta ka?
Kung minsa’y ang negatibong sagot ang s’yang totoo.
Madalas ang positibo ay siyang kasinungalingan.
Aminin sa hindi ako ay tama!

Kumusta ka?
Kung minsa’y hindi akma ang sagot sa katotohanan.
Madalas itinatago ang totoo.
Iniiwasang may mag-alala kaya’t sa kamalian nanatili.

Kumusta ka?
Simpleng tanong kung titignan,
Kumplikadong tanong kung susuriin.
Positibo o negatibo, nais ko’ng malaman ang totoo!

Kumusta ka?
Sa huling pagkakataon nais ko’ng marinig,
Ang positibo o negatibo.
Basta’t ang katotohan ay isiwalat.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

Comments Go Here ▼

Comments