Babalik ka pa ba?

by Mariedith Arellano | shared on He Said, She Said |

Babalik ka pa ba? Ang kadalasang tanong nang mga iniwan at naiwan.
Hindi Alam saan hahanapin Ang sagot at dahilan kung bakit sila nilisan.

Isang tanong rin na nabuo sa isipan ko, nang dumating ang isang araw na iniwan mo ako.

Gusto kong magalit sa bigla mong paglayo.
Gusto kong sumigaw nang sumigaw
hanggang sa marinig mo ang tanong ko na bakit?
Bakit? Bakit ka lumayo?!
Gusto kong umiyak nang walang patid
hanggang sa makita mo sa mga mata ko
na hindi matatapos ang gabing humihikbi ako.
Dahil iniwan mo akong nagtatanong at naghahanap nang sagot.

Hanggang sa ginising ako nang realidad.
Na hindi ka na babalik pa.
Na lahat nang akala natin panghanggang wagas
ay nakalaan lamang pala pansamatala.

Lahat matatapos tulad nang mugto kong mata
na wala nang mailuha.
Puso kong manhid na sa sakit na nadama.
At isipan kong pagod nang magtanong at umasa.

Dumating man ang araw na bumalik ka.
Huwag kang magalala ngingitian pa rin kita.
At makikita mo sa aking mga mata ang tunay na saya.
At ikaw naman ang magtatanong sa sarili mo.

Babalik ka pa ba?


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

Comments Go Here ▼

Comments