Baka Ewan, Siguro

By Sha Lom | shared on He Said, She Said |

Hindi ko alam kung ano o kung paano,
Tila ba ako’y unti-unti ng natututo.
Unti unti, nakakawala na sa mundo mo.
Sa mundo mong wala namang ako.
Sa mundong kilala mo lang ako kapag ako’y kailangan mo.
Baka, ewan, siguro, hindi pa rin ako sigurado
Ang gulo pero sana totoo na ‘to.
Sana huling tula ko na to para sa ‘yo.
Bibig ko’y nauubusan na ng ibibigkas
Tayo nga’y wala na sa landas.
Ballpen ko’y nauubusan na ng tinta,
Sapagkat pagod ng isigaw mga katagang mahal parin kita.
Eto na naman ako, sumusulat patungkol sa ‘yo.
Eto na, patapos na ang tula ko.
Wala na, tama na.
Tapos na, awat na.
Ayoko na, suko na.
Sana sa pagtatapos ng tulang ito,
pamamaalam na ang maging dulo.
Sana maging malaya na din ako.
Malaya sa mundong wala nang tayo.
Paalam na nga ba mahal ko?
Mukhang hanggang dito nalang talaga ako.
Sana’y hindi na ko muling sumulat patungkol sa ‘yo.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

Comments Go Here ▼

Comments

SHARE
Previous articleYoj
Next articleFalling Out of Love