Bakit… Gano’n?

by Kazumi Monserrat | shared on He Said, She Said |

Bakit gano’n? Hindi ba sabi mo sa akin masaya ka sakin bakit… Ganon?
Sinabi mo sa akin na mahalaga ako sayo pero bakit… Ganon?
Hindi ka na nagparamdam, iniwan mo kong bali at sugatan. Kung sasaktan mo lang din ako ng lubusan, sana hinamon mo na lamang ako… Ng suntukan.

Kahit na niloloko mo ko, kumakapit pa rin ako, bakit ganon?
Kahit nasasaktan ako sa nalalaman ko di ako nagpapadala bakit… ganon?
Ang sabi nila, nagpapakatanga ako sayo pero tama ba na sambitin nila yon? Hindi ako nagpapakatanga sayo, minamahal lamang talaga kita ng tapat at totoo.

Kinulong mo ako sa rehas na dapat ay wala ako, may mga kadena sa katawan at leeg ko na nakapulupot ng dahil sa kagustuhan mo, may mga pako sa aking mga paa! Na sadyang pinako mo upang hindi ako umalis, sa kinatatayuan ko sa buhay mo.

Bakit ganon? Sa tuwing sasabihin mong mahal mo ko ay naniniwala pa rin sayo bakit… Ganon? Nagbibingi bingihan na lamang ako sa naririnig ko bakit… Ganon? Kapag umaalis ka umaasa akong magbabalik ka sa piling ko, bakit…

Hindi, ang tanong na bakit ay di na kailangan ng sagot, ang puso ko na pinuno nya ng kirot. Tama na ito! Aking mahal tama na… Ito. Ito na ang huling sulat ko para sayo, hindi mo na muling mararamdaman ang presensya ko, iiwan na kita kasabay sa paglimot ko sa lahat ng pananakit mo. Dahil ang tanong na “bakit” ay ang sya ring naging sagot sa pagsuko ko.

Paalam na, mahal ko.

[This spoken poetry has its change of pace when it comes to speaking. As you can see, there’s a lot of “…” Kasi doon yung tempo ng pagbagal at pagtigil sa salita. – Kazumi]


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

Comments Go Here ▼

Comments