Bakit laging hindi ako?

by Camsss | shared on He Said, She Said |

Bakit nga ba laging siya siya ang napipili?
Kailan naman kaya yung ako ang ngingiti?
Kayo nalang lagi ang may ngiti sa labi
Ako nalang lagi ang may luha sa pisngi.
Ngayon nga’t unti unti na kayong nagkakamabutihan
Pipilitin nalang ang aking katawan
na tanggapin ang lahat ng nasasaksihan.
Oo, oo masakit sa akin sobra sobra
Nasanay kasi ako, na ako ang nasa puwesto mo
Na ako ang tinutukso
Mahirap lang sa akin na tanggapin dahil sa lahat ng tao ikaw pa.
Gusto kong ibaling ang nararamdaman
Dahil alam kong wala naring kapupuntahan
Mas maraming masasaktan
Kapag pinakita ko ang aking tunay na kalungkutan
Dahil sa pangyayaring di inaasahan.
Sinusubukan ang lahat ‘wag lang masira ang pinagsamahan
Dahil mas importante ka kesa sa higit sinuman
Apat na taon na pagkakaibigan
Parehong nagmamahal sa isang lalaki lang
Ikaw ang mahal at hindi ako
Tanggap ko naman ngunit hindi ng puso ko
Hindi alam pano maalis ito
Ayaw matanggal ng pagmamahal na ‘to
Gusto ko ng matapos at maging masaya na lang sa inyong dalawa
Ngunit ipilit ko man maging masaya
kita pa rin saking mata ang sakit na nadarama.
Rhea at Roy unang letra pa lang bagay na
ano ba naman laban ng Mellanie kung ang chemistry ninyo ay nagtagpo na.
Palagi nalang di nagugustuhan
Lagi nalang pinipili ang aking kaibigan
Kelan kaya yung ako naman?
Ako naman ang papahalagahan at bubuhusan ng pagmamahal.
Di nga siguro para sa akin ang pag-ibig
Pinagkait sakin ang mga bagay na kay sarap sanang dam’hin
Hanggang kaibigan na nga lang talaga akoy taga payo at silay patawanin.
Sana sana sa dulo ako ri’y sumaya
Puso’y pagod nang mag isa
Umaasang ika’y dumating na.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

Comments Go Here ▼

Comments