Bakit naging ikaw at ako ang dating TAYO

by Aya Martinez | shared on He Said, She Said |

Bawat araw hinihintay muli kang makausap
Kahit “hi”or “musta” lang mula sa ‘yo laging pinapangarap
Malabo na yata mangyari ang makita ka at makapiling
Sana makilala pa din kita yan ang aking hiling

Nang una kang makausap, di ko inisip na mapapalapit ka sa akin
Di ko akalain ang puso ko muli mong kakatukin
Sa tagal ng panahon na ito’y nakasarado
Di ko inaasahan mabubuksan mo pala ito

Madali kang nakapasok sa buong mundo ko
Di ko alam ano’ng gayuma ginamit mo at napaamo mo ako
Sa lahat halos ng bagay tayo’y nagkakasundo
Di ko namalayan nahulog na pala ang aking puso

Binigyan mo ng kulay ang simpleng mundo ko
Binigyan mo ng pag-asa ang hopeless na puso ko
Iminulat mong muli ang sarado kong puso at isipan
Pinaramdam mong mahal mo ko at di mo ko iiwan

Bawat araw na dumaan ikaw ang nasa isip
Kahit di pa kita nakikita pumapasok ka na sa aking panaginip
Pinaramdam mo sa akin na sa pag-ibig ako’y may pag-asa pa
Na may tao pang bubuo sa puso kong dati’y durog na

Ngunit isang araw nangyari ang di inaasahan
Naging malamig ka sa akin, di ko alam kung ika’y nasaan
Ang daming tanong, ang isip at puso ko’y puno ng agam-agam
Ano’ng nangyari at biglang ikaw ay lumisan?

Nang sinabi mo sa akin ang iyong naging dahilan
Bakit ganun? Saan galing yun? Di ko man lang naramdaman
Biglang binalot ng lungkot at takot ang puso kong dati’y masaya
Biglang bigla sa isang iglap ikaw pala’y mawawala na

Di ko alam ano’ng nangyari saan ako tutungo,
Nang bigla kang nawala gulong-gulo ang aking puso
Gusto kong tumakbo pabalik at hanapin kung saan kita nabitawan
May pagkukulang ba kong nagawa bakit ako’y biglang iiwan

Saan napunta ang pangakong di mo ko iiwan
Saan napunta ang salita mong “mahal kita at handa kitang ipaglaban”
Bakit muling nag isa at binitiwan mo ang puso ko
Bakit naging ikaw at ako ang dating tayo.

Here’s the story behind Aya’s poem (some parts have been edited for brevity):
 
“I’m Aya, 34 years old. I reached this age na madami na ding naranasan heartbreaks. Ilang beses na ‘ko nagmahal sa maling lalaki — pare-pareho sila ang nang-iwan sa akin. Same reason din, may nakita silang mas higit daw sa akin. Napagod na din ako ma-in-love kasi paulit-ulit ang nangyayari.
 
Then this one night, naisip ko bigla na di na ‘ko bumabata. Tatandang dalaga na kaya ako? Bigla ako nag worry nun.
 
I prayed so hard that night na sana dumating na siya. Pagod na din ako mag-isa. Two years na din ako nag mu-move on sa last relationship ko.
 
That night masyado akong down kaya pray and pray lang. Parang miracle naman ang nangyari kasi kinabukasan, nung mag-online ako ss FB messenger, biglang may nag-message sa akin. Unknown ang tao na ‘to. Wala kaming mutual friends and wala akong idea kung sino siya.
 
Itago natin ss name na “Yobo.” Unang message niya is “hello.” Since wala akong idea kung sino siya, I had to ask about himself and saan niya ako nakilala.
 
Well, nasa Korea siya at nandun na din mother and siblings nya. He’s from Batangas. Then nakilala nya lang ako dahil sa comment ko sa isang viral video sa FB regarding John Lloyd and Angel Locsin. Sa dinami-dami ng nag comment dun di niya daw alam kung bakit sa akin siya naging curious. That day halos maghapon kaming magkausap. Nasundan ng araw-araw mag kausap na kami.
 
Madaming bagay ang aming pinagkasunduan gaya ng shoes, music sports and more. Pareho namin naisip, destiny ba ‘to?
 
He told me his secrets and I accepted everything about him. He had a complicated status with his ex-wife. Pero since matagal naman na hiwalay (8 years), na-accept ko pa din status niya. Promise niya din kasi na inaayos na yun para maging “single” na ulit ang status niya. Unti-unti, naramdaman ko na mahal ko na siya.
 
Nagkaroon na kami ng mga plans. Uuwi siya sa Pilipinas para makilala niya ako at family ko, para formal na manligaw at makilala kami.
 
Every morning meron kaming ‘good morning.’ Every night meron ‘goodnight.’ Every message meron kaming ‘I love you.’ Naging Yobo tawagan namin dahil it’s a Korean term of endearment (honey or husband/wife).
 
Until one day, noong umaga masaya pa kami magkausap. Tumawag siya sa akin bago siya matulog kasi pang-gabi siya. Later daw mag-uusap kami kasi na-miss na niya ako. Sabi niya pa ‘later Yobo..I love you.’
 
Then after that matagal ako naghintay sa tawag niya. Nag afternoon na pero wala pa din so ako na nag-message and tried to call him pero wala siyang reply. Nag gabi na hanggang makalipas ang magdamag. Kinakabahan ako ano’ng nangyari? Bakit di ko sya ma-contact? Nasaan na siya? Hanggang sa noong umaga, nakita ko na nabasa niya messages ko at ang tanging nasabi niya ay, ‘sorry po, napasabit na naman.” Meaning nayaya siya ng friends sa inuman or kantahan. Nag-reply ako at sinabi ko lang sana sinabi mo naman. Nag-alala ako. After that wala na siyang reply. Biglang naging matabang. Baka iniisip lang niya na galit ako kaya hindi muna din ako kinakausap. So hinayaan ko, baka kailangan nga namin ng konting hinga kasi baka nga magalit ako sa kanya. Pero parang may mali. Parang iba — parang may malalim na nangyayari na di ko alam. So ako na ulit ang nagtanong, ‘ano ang problema? may kailangan ka bang sabihin?’ Pero wala siyang reply. Halos di niya agad basahin ang message. Lumipas ang dalawang araw na puro ako lang ang nag-me-message. Ako lang tumatawag pero ayaw niya ako sagutin. Hanggang sa di ko na kaya. Magalit na siya kung makukulitan sya pero kailangan na i-settle ‘to kasi nahihirapan na ako. Ang unang salita niya sa akin was a sad face and ‘I’m sorry.’ Sabi ko ok na yun kung yun ang dahil sa di ka nagpaalam. Pero di lang pala yun. May sobrang lalim pala na nangyari.
 
Nag-so-sorry siya kasi kelangan na niya akong bitawan. Kailangan ko na daw siya kalimutan. Akala niya daw kaya na niya pumasok ulit sa bagong relasyon pero di pa pala. Ang dahilan, bumalik bigla ang ex GF niya sa Korea na for almost 5 years yung taong nag-iwan sa kanya at ipinagpalit siya sa iba. Biglang bumalik at nakipagkita sa kanya. Nagkaroon siya ng confusion. Mahal niya pa din yung girl na yun. At ako, napamahal na din ako sa kanya pero sa tingin niya daw hanggang dun na lang kami.
 
Noong sinabi niya yun, parang sinabi na din niya na mas pinipili niya ulit ang nakaraan niya kesa sa akin. Ano nga naman ang panama ng 2 months namin sa 5 years nila. Ayoko siyang bitawan agad agad, kahit na nasasaktan ako, pilit kong kumakapit sa kanya. Baka sakaling magliwanag isip niya at ako namin ang piliin niya. Baka yung ‘Tayo’ namin nandoon pa din. Pero matigas siya. Nagawa niya akong matitiis. Parang biglang di ko na kilala ang taong 2 months ko na araw-araw kausap.
 
Paano na ang mga plano? Paano na ang lahat ng binubuo namin na TAYO? Hanggang sa tuluyan na niya akong inalis sa buhay niya. In short, he blocked me sa lahat ng communication. Ang hard niya di ba? Di ko maintindihan pero handa pa din akong hanapin siya. Baka kasi sakali meron pa kaming Tayo.
 
Parang ang daming tanong sa isip ko na kailangan ko ng kasagutan. Biglang-bigla kasi ang nangyari.
 

Sa isang ‘snap’ lang, nawala na ang lahat.


Feel free to send in your poems (English or Tagalog) via message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one. He Said, She Said Philippines reserves the right approve or reject submissions for posting.

Comments Go Here ▼

Comments