Bakit ngayon pa

by Genesis Bergonio | shared on He Said, She Said |

Bakit ngayon pa?
Kung kailan wala na ang mga ngiti sa labi t’wing nasisilayan ka
Kung kailan pinalaya na kita
Kung kailan sinabi ko na sa sarili ko na ayoko ng umasa
Mahal ayoko ng masaktan pa
Sana dati pa
Noong panahong may kilig
At pagmamahal
Noong panahong gaano man katagal ay di aangal
Noong panahong gaano man ang hirap
Kung para sayo ay magsusumikap
Noong mayroong pagmamahal na tinatawag
Pagmamahal na walang halong pagpapanggap.

Bakit ngayon lang?
Patawad kung hindi ko na masusuklian
Dahil wala nakong nadarama
Wala na ang takot at kaba
Dahil mahal wala ka na dito
Alam mo kung nasaan ka na?
Hindi ko rin alam kung saan banda
Ang alam ko lang ay wala ka na
Ang naaalala ko lang ay kinalimutan na kita
Kaya hanggang dito na lang ang pagmamahal ko sa ‘yo
Dahil hindi ko na mabibigkas ang mga ito
Dahil hindi na pwedeng maging tayo
Iba na ang mahal ko.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

Comments Go Here ▼

Comments

SHARE
Previous articleLove
Next articleI’ve moved on