Bes, sobrang sakit na ba?

by Jhoan Calderon | shared on He Said, She Said |

Bes, sobrang sakit na ba?
Huwag kang mabahala
Sapagkat ilang beses ka mang madapa
Aabutin ko ang iyong kamay at itatayo ka
Kapag pagod ka na
Huwag kang mag-aatubiling lumapit
Sa akin ka kumapit
Kukunin ko lahat ng iyong sakit
Pighati at pait
Kung sumapit man
Ang panahon na tuluyan kang magiba
Huwag kang mawawalan ng pag-asa
Dahil sa gitna
Ng lahat na durog na piraso
Ng iyong pagkatao
Yayakapin kita
Hanggang sa ikaw ay muling mabuo
Kahit may posibilidad na masaktan ako
Hindi ako susuko
Kahit magpumiglas kang pilit
Yayakapin kitang mahigpit
Hanggang sa ang bawat piraso mo ay muling magdikit
Ang pagmamahal at pag-aaruga ng ibang tao na sa iyo ay ipinagkait
Sa akin mo makakamit
Ipapadama ko sa iyo ang lahat ng kasiyahan at tamis
Dahil kaibigan, minamahal kitang labis.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

Comments Go Here ▼

Comments