Biglaan

by Mae Marnyll Carandang | shared on He Said, She Said |

Mahal Kita.
Mali.Minahal Kita.
Hindi. Mahal Pa rin Kita pero tapos na

Siyam na taon yaong pinagsamahan
Maniwala ka lahat ng mahal kita don may laman
May laman na ayaw kong mabawasan, lalo na ayaw kong bitawan
Inilagaan, iningatan kasi alam ko wala nang hanggan

Hanggang isang araw, bigla akong bumitaw
Oo, ako yung biglang bitaw, yung taong di mo na biglang matanaw
Nung iniwan kita alam ko nasaktan ka ng sobra.
Patawad pero tapos na.
Marahil hanggang doon na lang ang istorya
Ang takbo ng relasyon nating dalawa.

Di ko na hahabaan pa
Gusto ko lang sabihin sayo, bago ko tuluyang tapusin ang lahat
Mahal Kita. Minahal kita. Mahal pa rin kita pero tapos na
Mahal Kita. Minahal kita. Mahal pa rin kita pero iba na
Yung dalawa na naging isa
Mahal maraming salamat sa lahat ng ala-ala.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

 

Comments Go Here ▼

Comments