Bilang

by Patricia Vien Isabel Ducusin | shared on He Said, She Said |

Maglaro tayo at ako ang magiging taya
Kaya magbibilang ako mula una hanggang lima
Hanggang sa maubos ko ang mga salita
Mga salita na posibleng tugma sa pangalan mo, sinta

Una,
Napakatamis ng simula nating dalawa
Na kahit ang mga tala, ang buwan at si Bathala ay naging saksi
At kahit ang paborito nating pintor ay ginawa itong obra

Pangalawa,
Nagdaan ang umaga na bumubungad sa akin ay iyong mukha
At sa pagsapit ng gabi ay baon ko ang mga alaala
Mga alaala na sabay nating ginawa

Pangatlo,
Nasanay tayo sa pagmamahal at nakalimutan ang mga pangako
Nagpakalunod sa kapangyarihan ng “tayo”
Hindi alam kung paano ang “ako” at ang “iyo”

Pangapat,
Napagod ka at sinukuan ako kahit hindi pa dapat
Dahil ang tunay na pagibig ay hindi parating sapat
Na kahit ang mga pakpak na binigay nito sayo ay bumigat

Panglima,
Dumating ang wakas at doon ay minahal mo ako
Na kahit sa dati nating apoy na naging abo ay minahal mo ako
Pero mahalin mo ako sa huling pagkakataon pagkatapos ay bitaw na


Feel free to send in your poems (English or Tagalog) via message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right approve or reject submissions for posting.

Comments Go Here ▼

Comments

SHARE
Previous articleGulong Isipan
Next articleHuling Paalam