Biyayang hindi inaasahan

by James Vincent L. Bayang | shared on He Said, She Said |

Hindi ako naglalakbay
Pero bakit kita natagpuan
Walang tanong sa aking isip
Ngunit bakit ikaw ang kasagutan

Bawal tumanggap ng bisita
Subalit pinapasok kita
Hinayaan kong ako ay iyong makilala
Nakawin ang puso ko’t kaluluwa

Hindi mo na kailangang magsalita
Dahil naunawaan ko na
Wala ka pang nasasambit na salita
Pero napakarami nang nasabi ang iyong mga mata

Kaya sige na, tuloy ka na sa paglalayag mo
Ikaw yung buong taon ko pero isa lang pala akong bakasyon mo
Minahal kita, oo, pero ako lang mag-isa
Ang tanga ko bakit pa kasi ako umasa

Babalik na lang ako ulit sa aking kanlungan
Sakaling maalala mo ako, narito lang ako, hindi naman kita nakalimutan.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

Comments Go Here ▼

Comments