Biyernes

by Nadhine Anjela Pantua | shared on He Said, She Said |

Isang araw na puno ng kilig ,
Habang nakasandal sa ‘yong mga bisig
Isang araw na matiwasay
Habang hawak ang iyong mga kamay

Isang araw na ayoko ng wakasan
Ang araw na kay hirap kalimutan
Alam kong ito’y panandalian
Isang araw na puro kalokohan

Ang araw na aking kinasasabikan
Nagmistulang kinaiinisan
Buong araw na puro kasinungalingan
Ngunit sa wari ko kay hirap kaligtaan

Buong araw na “Ikaw at Ako”
Umaasa sa paglipas ng araw na ito
“Ikaw at Ako” ay magiging “Tayo”
Ngunit ito pala ay napakalabo

Ilang linggo ang nakalipas
Heto, Biyernes na naman bukas
Alaala ay di pa rin kumukupas
Sa isipan ko’y di pa rin nagwawakas

Feel free to send in your poems (English or Tagalog) via message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one. He Said, She Said Philippines reserves the right approve or reject submissions for posting.

Comments Go Here ▼

Comments