bumitaw ka pala

Bumitaw ka pala sa ‘kin para lang kumapit sa iba

by Michelle Dalana | shared on He Said, She Said |

Halos araw-araw kong pinapatay ang aking sarili sa mga oras na gustong gusto kitang itext o tawagan, sa mga minuto na tinitiis ko na wag gawin ang mga bagay na gusto kong gawin ang mga bagay na magpapaligaya sa ‘kin at ikaw yun mahal, ayoko ng gawin pa kasi alam kong masaya kana, ayoko ng gambalain ka pa kasi alam kong okay ka na ngayon. Na okay ka na kahit wala ako na kuntento ka na kahit wala ng tayo kasi mayroon ng kayo, kayo na na nag sisimula ng bagong pangarap, kayo na nag papatuloy ng naudlot nating pagmamahalan at higit sa lahat ayoko ng ipilit pa ang sarili ko dahil mayroon ng sya sa puso mo. Siya na bumubuo ng bago mong buhay kasabay ng paglimot sa lahat ng ating pinagsaluhan.

Hanggang ngayon tinatanong ko pa rin ang aking sarili na sa pagsuyo ba sayo’y ako’y nag kulang?

Batid ko na naman ang katotohanan ngunit sadyang mahirap lang tanggapin, na sa kabila ng lahat ganun lang kadali sa ‘yo na ako’y bitawan, at hanggang ngayon sariwa parin ang lahat ng sakit at sugat sa puso ko, buhat ng ako’y iyong iwanan.

Naaalala mo pa ba yung gabing yun? Yung gabing halos malunod na ko sa sarili kong luha habang mag kausap tayo, pilit kong tinatago ang aking pagtangis at ayokong marinig mo ang aking mga hikbi mga hikbing nag hatid ng dilim sa maliwanag kong mundo buhat sa kasagutan mo ng pilitin kita. Pilitin kitang bigyan ulit ako ng pagkakataon at pag asa na baka kaya pa natin, na baka puwede mo pa kong ipaglaban. Kasi mahal, kung may mga negatibo mang bagay sakin pangako mas higit na ko ngayon kaysa noon.

Inisip ko, baka sakali, baka lang naman mahal mo pa rin ako, at ngayon, malinaw parin sa aking alaala ang lahat ng iyong kasagutan, kasagutan na “TAMA NA” na tama na dahil “AYOKO NA” at ayoko na kasi “PAGOD NA KO.”

Pero mahal, tinanong mo ba ‘ko kung ano ang nararamdaman ko? Na sa totoo lang halos magkatulad lang din naman tayo, ngunit ang pinagkaiba lang nating dalawa pinaglaban kita pero at ikaw iniwan mo ko.

Naaalala ko pa nung tinanung kita kung mahal mo pa ba ko at ang sagot mo’y “mag sisinungaling ako kung sasabihin kong hindi.” at ng tanungin muli kita “Eh sya mahal mo ba?” at sinabi mo ulit na “mag sisinungaling ako kung sasabihin kong hindi”at ng marinig ko ang iyong kasagutan, tila ayoko ng mabuhay.

Bakit parang napaka damot naman sakin ng tadhana? durog na durog ako at para bang wala ng pag-asang mabuo pero dahil bumitaw ka at kumapit sa iba, ngayon kaya ko ng hawakan ang salitang kaya ko at kakayanin ko kahit wala ka.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

Share This!

Comments Go Here ▼

Comments

by Michelle Dalana | shared on He Said, She Said | Halos araw-araw kong pinapatay ang aking sarili sa mga oras na gustong gusto kitang itext o tawagan, sa mga minuto na tinitiis ko na wag gawin ang mga bagay na gusto kong gawin ang mga bagay na magpapaligaya sa ‘kin at ikaw yun mahal, …

Review Overview

User Rating: 4.7 ( 1 votes)
0