judging

Criteria for judging, courting, loving

ni Sam JCB | He Said, She Said |

Originality……………..20%
Creativity………………20%
Level of difficulty……20%
Neatness………………20%
Resourcefulness…….20%
Audience impact……..0%

Originality—20%
Hindi ba’t kay sarap sa pakiramdam
na matapos at pagmasdan
ang mga bagay na ikaw at ikaw mismo ang gumawa?—
Na hindi ka lang nakabase sa kung ano’ng nabasa mo,
mga narinig,
at napanuod sa Youtube o TV ni Aling Bebang.
Sa mga contest,
sikat ang orig—
Naiiba ka at ikaw ang napapansin.
Malaki ang points.
Gano’n din sa panliligaw—
Mas mapapansin ka kung kakaiba ka,
ang effort,
style,
basta gano’n!
Maniwala ka sa’kin,
iba ang orig!
Magpakatotoo ka’t makukuha mi siya 🙂

Creativity—20%
Kay sarap pagmasdan
ng mga bagay
na napakaayos ng pagkakalikha—
mabusisi,
maganda,
kumpleto,
At kamangha-mangha.
Kaya ikaw, ‘wag kang gagad!
Hindi mo kailangang madaliin ang lahat!
Hindi ka makakabuo
ng maayos na komunikasyon
at relasyon
kung hindi mo pagtutuunan ng atensyon—
oras,
panahon,
effort!
Tandaan mo,
ang alak, sumasarap habang tumatagal.
Gano’n din sa tiwala—
Pinapaunlad ng panahon, oras, at atensyon.
Gilas naman!
Lagyan mo ng kulay!
Lagyan mo ng kahulugan!
Lagyan mo ng pasensya!

Level of difficulty—20%
Hindi sapat ang “pwede na ‘yan”
o “okay na’to”.
Hindi mo maaabot ang pangarap mo
kung hanggang ngayon
nagmumuni-muni ka diyan—
sa higaan mo,
sa lungga mo,
sa apat na sulok ng puting papel,
na hindi mo alam kung paano sisimulang
ang pagsusulat ng salitang “Hi?”
Mura lang ang load.
Libre lang ang FB o chat sa TM.
Try mo rin buksan ang bibig mo kahit minsan.
May bibig ka naman.
Hindi ka naman ngongo.
Hindi ka rin naman pipi.
Matuto kang mag-effort!—
Pagsumikapan mo!
Maghirap ka!
Pagpaguran mo!
Hindi ka lang naman basta namimingwit
na itatapon mo ‘yung pain ng pamingwit mo sa tubig
tapos maghihintay ka na lang na may kumagat,
tapos kapag hindi mo gusto ang nahuli mo,
ibabalik mo na lang sa tubig
na hindi mo man lang inalam
kung nasugatan mo ang loob niya.
Hanggang saan ba ang kaya mong lakarin?
Ilang ilog ba ang kaya mong takbuhin?
Ilang troso ba ang kaya mong sibakin?
Ilang timbang tubig ba ang kaya mong igibin?
Gaano mo katagal kayang maghintay?
Ano ba ang kaya mong ibigay?
effort,
effort,
effort,
effort,
effort!

Neatness—20%
kaakibat bg kabaitan ang kalinisan.
Hindi porke mabait ka ay malinis ka na.
Hindi porke naligo ka ay mabango ka na.
Hindi porke maganda ang damit mo ay malinis ka na.
Tandaan mo,
hindi basehan ang panlabas na kaanyuan
para lang masabing “mabait” ka.
Gaano ba kalinis ang intensyon mo sa kanya?—
Sa pakikipag-usap,
sa pag-tabi,
pagte-text o chat,
at kahit sa panliligaw.
Katawan lang ba ang habol mo?
Makinis at maputi niyang kutis?
Pera?
Kung tama ako,
talo ka na.
Kung pwede ko lang gawing negatib ang score mo,
ginawa ko na.

Resourcefulness—20%
Ano ba ang paraan mo sa panliligaw?
Ano ba ang kaya mong gawin para makuha ang matamis niyang “oo”.
Mahirap?
Madali?
Malambot?
Matigas?
Mabango?
Masarap? (Gaya ko?)
O baka naman ang dapat kong itanong
ay kung sino ang kaya mong gamitin
para sa sarili mong kapakanan?
Siya?
Sila?
Ako?
Kami?
Santisima!
Kung gano’n,
hindi ka mapagkakatiwalaan!
Walang puso!
Manggagamit!
Bro, payong pang-kapogian,
magpakatotoo ka lang.
Hindi mo kailangang magpaka-O.A.
Hindi mo kailangang manggamit.
Matuto kang manalangin.
Da bes ‘yan pramis! Lasang kamatis!

At ang panghuli at hindi naman talaga kailangan…

Audience impact—0%
Walang kuwenta.
Hindi mahalaga.
Kapag nagbabasa ka ng libro
at may ayaw kang parte sa kuwento,
natural lang na magreklamo ka,
magsasabi-sabi ka.
Pero anong magagawa mo?
Wala!
Tandaan mo,
sa kwentong ginagawa niyong dalawa,
kayo lang ang magtatakda
kung anong mangyayari.
Nagbabasa lang sila,
Kayo ang author.
Kapag nanuod ka ng pelikula
at ayaw mo ang naging wakas
dahil hindi nagkatuluyan ang mga bida,
natural lang na sasama ang loob mo.
Bakit ganito, gan’yan, gano’n?
Sana ganito, gan’yan, gano’n.
May magagawa ba ang kainartehan mo?
Maibabalik ba ang binayad mo sa cine?
Wala!
Hindi!
Tandaan mo,
sa pelikulang ginaganapan niyong dalawa,
Kayo lang ang maaaring maging bida,
o superhero,
o fairy god mother,
o monster.
Kayo lang ang direktor,
kamera man,
skrip wrayter, etc.
Nanonood lang ang nasa paligid niyo,
gawin niyo silang mga puno,
o kaya palaka,
kabayo,
utot,
basta!
Nanonood lang sila,
bigyan niyo sila nang magandang palabas.
Ipapaalala ko lang ulit,
hindi mahalaga ang ‘audience impact’,
hindi mahalaga ang mga sigawan,
palakpakan,
pangungutya,
paninira,
at pagpuri mula sa kanila.
Kung wala naman kayong ginagawang mali,
wala kayo dapat ikatakot
sa kung anong maaaring isipin at sabihin nila.
Kung malinis ang intensyon mo,
wala ka dapat itago sa mundo

Feel free to send in your poems (English or Tagalog) via message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.
 
Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com
 
He Said, She Said Philippines reserves the right approve or reject submissions for posting.
Share This!

Comments Go Here ▼

Comments

ni Sam JCB | He Said, She Said | Originality……………..20% Creativity………………20% Level of difficulty……20% Neatness………………20% Resourcefulness…….20% Audience impact……..0% Originality—20% Hindi ba’t kay sarap sa pakiramdam na matapos at pagmasdan ang mga bagay na ikaw at ikaw mismo ang gumawa?— Na hindi ka lang nakabase sa kung ano’ng nabasa mo, mga narinig, at napanuod sa Youtube …

Review Overview

User Rating: 4.65 ( 1 votes)
0