Dahil Mahal Kita

by Johnna Bel Meprise | shared on He Said, She Said |

Naaalala ko nung una kitang makilala.
Hindi inakala na mag-iiwan ka
ng ganito kalaking marka na kay hirap mabura.
Nakatayo ka’t pinakilala at halos ako’y natunaw
sa titig mong tagos sa puso ko at kaluluwa.
At ng mag pang-abot ang ating mga kamay,
may tila parang kuryenteng dumaloy
sa katawan ko’t parang ayaw ng mawala.
Tiningnan kita’t napagtanto kong pamilyar ang iyong mukha.
Para bang nakilala na kita bago pa tayo nagkita.

Dumaan ang mga araw at unti-unti kitang nakilala.
Nalaman kong malungkot ka.
Hindi ko sinasadyang maramdaman
pero ginusto kong ika’y aking mapasaya.
Pero alam kong hindi pwede lalo na at may nagmamahal sa aking iba.
Pinilit kong layuan ka’t kalimutan itong nararamdaman
na hindi man tama pero ako’y pinapasaya.

At isang araw, ako’y nagpasya,
hinayaang magpadala sa damdamin at pinili kong mahalin ka.
Ang ngiti sayong mga mata ang dahilan
para ipaglaban ko ang kung ano sa tingin ko’y tama.

Pinangako sa sariling hindi ako mawawala,
hanggat ikaw ay masaya.
At sa bawat araw na nararamdaman kong gusto mo akong makasama
kahit pa hindi naman tayong dalawa,
sapat ng rason na manatili akong nakakapit sa sinasabi mong
“dili ko gusto mawala ka”. (Ayokong mawala ka).

Pero isang araw ang mga ngiti mo’y biglang nawala.
Gusto ko mang intindihin ang dahilan mo hindi ko magawa.
Ang malinaw sa akin, gusto mo ng tapusin
ang hindi pa naman nagsisimula.

At ng sinabi mong “dili na ‘ko (pangalan ko)”, ako’y nanghina.
Mga salitang hindi ko inakalang babanggitin mo.
Ako’y natahimik.
Hindi alam kung iiyak o iimik.
Gusto kong magmakaawa anong hindi ko nagawa.

Tiningnan ko ang iyong mga mata.
At alam kong hindi ka na nga masaya.
Kaya kahit ayokong iwanan ka,
kinailangan kong gawin dahil mahal kita.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

Comments Go Here ▼

Comments