pexels-photo-7831

Dalawang puso, isang pag-ibig

by Jenny Gift Boca | shared on He Said, She Said |

Pag-ibig na di maari
Bakit? Paano? Ano nga ba ito?
Nakapagtataka hindi ba?
Ngunit eto na sasabihin ko na.

Dalawang puso isang pag-ibig
Kayat pasensya ka na
Pasensya ka na kung nadamay ka pa
Sa gulo ng isip, kabig nitong dibdib.
Pasensya ka kung sayo pa talaga
Pasensya na, alam kong nahihirapan ka na.

Dalawang puso, isang pag-ibig
Pasensya na, kaibigan pang dapat talaga
Ngunit di natatwa’t nahulog na pala
Pasensya na sinabi ko pa
Hindi na sana nagkagulo pa
Pasensya na, nahihirapan ka na
Tibok ng pusoy pinipigilan na
Pasensya na, ngunit paglayo’y di gagawin
Ganyan talaga, gusto na kita

Dalawang puso, isang pagibig.
Pasensya na kung nagbabago na
Pakikitungo nya sa ‘yo
Dahil sa kagagawan ko
Pasensya na sa katangahan ko
Pangako, unti untiy pipigilan ko
Dalawang puso isang pag-ibig
Iyan sana tayo ngunit naalala ko
Hindi nga pala tayo
Pasensya na nalilito na naman ako.
Hanggang dito lang pala ako
Nakakatawa, nalagpas na naman ako.

Dalawang puso, PERO HINDI isang pag-ibig
Pasensya na, babaguhin na
Itatama na, eto, pakinggan mo na
Hindi, ang hirap, wala talaga
Di ba p’wedeng
“Dalawang puso, isang pag-ibig” na lang talaga?


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

Share This!

Comments Go Here ▼

Comments

by Jenny Gift Boca | shared on He Said, She Said | Pag-ibig na di maari Bakit? Paano? Ano nga ba ito? Nakapagtataka hindi ba? Ngunit eto na sasabihin ko na. Dalawang puso isang pag-ibig Kayat pasensya ka na Pasensya ka na kung nadamay ka pa Sa gulo ng isip, kabig nitong dibdib. Pasensya ka kung sayo …

Review Overview

User Rating: 4.7 ( 1 votes)
0