Dalawin Nawa Ako ng Antok

by AJA | shared on He Said, She Said |

Minsan nakabisado ko ang iyong pangalan
Sambit sa bawat pagtibok, bawat paghinga
Kulang ang isang araw na hindi kita nakikita
Hanggang sa pagpikit, mukha mo’ng nakikita

Hele ng isang malamig na hangin ang akingi damdamin
Dalisay, panatag, walang pangamba, walang pait
Hanggang sa paggabi, mukha mo’ng nakikita

Naglaro tayo sa kamalayan ng aking panaginip
Nakita kita, nahawakan, naramdaman ang dagundong ng iyong puso
Ang pagtawa na namumutawi sa iyong mata
Naikwento mo sakin ang saya, ang lungkot, pagkabahala, pighati at sakit
Lalo kitang nakilala
Hindi ko na maalala kung paano ito nagumpisa
Hindi ko na matandaan kung saan ang ating papunta
Ikaw lang ang nais kong kasama

Umiikot na sa aking kamalayan ang ating pagsasama
Nakasulat sa ating mukha ang saya
Walang halong lungkot at sakit
Sana huminto na to para mukha mo ang nakikita

Sa hindi inaasahang paghikbi at silakbo
ng walang humpay na kaligayahan andun ka at napatigil
Tumigil ang aking pagngiti mga mata’y nakakatitig sa iyo
Nagtatanong, nalilito..

Nilapitan kita sa kalagitnaan ng aking panaginip
Tinitigan, hinawakan, muling dinama ang dagundong ng iyong puso
Nasaan na ang pagtawa na namumutawi sa iyong mata,
I-kwento mo ulit sa akin ang saya, ang lungkot, pagkabahala, pighati at sakit
Gusto uli kitang makilala
Muli kong aalalahanin kung paano tayo nag-umpisa
Muli kong aalalahanin kung saan ang ating papunta
Ikaw lang ang nais kong kasama

Oo ikaw lang,
Oo ikaw lang,
Oo wala ng iba
Saan na ako pupunta pag ikaw ay nawala
Pinipilit kong ipikit ang aking mata
Para sa panaginip na ito ay di na mawala
Dumadampi na sa akin ang liwanag
Humahalik na sa akin ang init

..nagising ako

..inalala

..pilit tinatandaan

Kelan ba ulit makikita ang iyong mukha?
Ipipikit muli ang mga mata.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

Comments Go Here ▼

Comments