Di bale na lang

by M | shared on He Said, She Said |

Wala na ko masabi kundi, di bale na lang,
Dahil sayang lang pala sayang lang.

Sa bilis mong umibig sa akin ganoon
din pala kabilis na limutin mo isang tulad ko.

Sa bilis mo na umibig sa akin
ganoon din pala kabilis na may minamahal ka na pala?

Minsa’y iniisip ko ang salitang binitawan mo noon sa akin na
“Mahal na mahal na mahal kita”

Sa isang iglap parang bula na lang ba?

Hindi ko lubos maisip na ganyan ka pala
o sadyang ganyan ka nga.

Sa tuwing ako’y nag-iisa napapa-isip na
bakit kaya parang bula na lang naglaho sa ‘yo
na sadyang hindi na traffic sa EDSA
sapagkat nakadaan ka na agad.

Ang dami ko pa naman sanang gagawin
o sabihin ngunit, di bale na lang.

Kung saan ka man masaya ngayon
nawa’y huwag mo na akong alalahanin pa.

Ako’y isang hangin na lang
sa iyong piling na dumaan lamang.

Ngunit ito iyong pagkatandaan,
ang hangin ay hahanap-hanapin mo rin
at ihahantulad ko ang aking sa sarili sa hangin.

Aaminin ko ako’y nagkamali
at sa bawat araw na nagdaan,
ako’y nagsisisi na lumisan ka.

Subalit ang aking puso’y unti-unti mong dinudurog
sa tuwing nakikita kang masaya sa piling ng iba, kay-bilis lang.

Oo. Oo nga.
Darating din tayo sa panahong may iibigin din tayo.

Subalit hindi ko lubos maisip
di pa naghihilom sugat sa ating mga puso
ngunit ika’y umibig na muli.

Di bale na lang,
sadyang ganyan nga talaga
wala na akong masasabi pa.

Di bale na lang.

Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

Comments Go Here ▼

Comments