Di Tinadhana

by DKP | shared on He Said, She Said |

Magdadalawang taon
Bakit kaya hindi tayo binigyan ng pagkakataon?
Na ako sana’y iyong pinili
Ang problema’y pala ay pareho tayong napipi

Bulag
Bingi
O nagbibingibingihan
Nagbubulagbulagan
Di ko na rin tinanong
Alam ko na rin naman ang sagot

Ikay sa kanya
Pero ikaw at ako?
Hindi.
Hinding hindi
Meron lamang, ikaw at siya.
Ikaw at siya.

Isang taon kong pinapaalala sa sarili
Sila yung unang pinagtagpo
Dahil sila ang pinagpalang itinadhana
Sila yung tinakdang magkasama

Oo.
Kinalimutan kita.
Pinatay ko ang anumang nararamdaman.
Pati na ang mga alaala.

Ngunit nagbalik ka.
Pabalik balik.
Kahit alam mong wala naman tayong naghihintay na kinabukasan

Paano ba kita maipaglalaban?
Huli na.
Huling huling na para sa ating dalawa
Dahil sa pagtitig ko sa iyong mga mata
Siya ang aking nakikita

Siya
Ang makakasama mo sa panghabang buhay
Siya na sinumpaan mong mamahalin magpakailanpaman
Siya na magiging ina ng mga supling mo
Siya na laging katabi mo bawat gabi
Siya na ang unang masisilayan mo sa pag gising
Ito ang mga bagay na kailanman ay hindi magiging akin
Ika’y hindi magiging akin

Ika’y kakalimutan
Para sila’y di masaktan
Kakandungin ko nalang ang bawat hiram na sandali
Babaunin ang iyong mga ngiti
Wala nang saysay kung ako’y lalaban
Dahil alam nating parehong wala itong patutunguhan.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

Comments Go Here ▼

Comments

SHARE
Previous articleKailan?
Next articleA Story to Tell