Dulo

by Diana Argote | shared on He Said, She Said |

Ikaw ang aking buwan
Ngunit ako’y isa lamang sa iyong mga bituin
Bagama’t ako’y nagniningning sa kalangitan
Ay hindi mo pa rin napapansin.

Hindi mo nga namamalayan,
Na ako’y nasa tabi mo lamang
Hindi mo man lang naramdaman
Ang pagdaan ko sa iyong harapan.

Noong nakita kitang kasama mo siya,
At kung paanong ang ngiti mo ay umaabot hanggang sa iyong mga mata,
Kumirot bigla ang puso ko
Nasasaktan ngunit ako’y walang karapatan,
Wala naman kasing tayo
Kasi tayo’y magkaibigan lang.

Alam ko, hindi lang dapat sa’yo
Umiikot ang aking mundo
Masyado pang malawak ang ating uniberso
Para ikandado ang puso sa ‘yo.

Kaya ito na ang huling laban
Huling yugto ng ating pagmamahalan
Ay mali,
Ako lang pala ang nagmamahal.

Kaya babaguhin ko,
Ito na talaga ang huling sandali
Na hihilinging ika’y manatili sa aking tabi
Di ko alam kung saan ito patungo
Ngunit alam kong malapit na ang dulo.


Feel free to send in your poems (English or Tagalog) via message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right approve or reject submissions for posting.

Comments Go Here ▼

Comments